P30-M imported sugar kuha ng PASG

Nakumpiska ng mga tauhan ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang may P30 mil­yong halaga ng imported na asukal sa isang ware­house sa Meycauayan, Bulacan. 

Ayon kay PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr., armado ng mis­sion order ang kanyang mga tauhan ay sinaliksik nito ang isang sugar ware­house sa Starling com­ pound, Merfidian Indus­trial Park sa Meycauayan. 

Natuklasan ng PASG na imported ang mga asukal na nakasilid sa 22,000 sako at ito ay nirere-pack sa nasabing bodega na napag-ala­mang pag-aari ng isang Danny Coral na whole­saler ng asukal sa Metro Manila at Central Luzon. 

Sinabi pa ni Usec. Villar, upang mabenta ni Coral ang kanyang mga smuggled na asukal ay inilalagay niya ito sa mga sako ng Central Azuca­rera de Bais Inc., Victorias Milling Company at First Farmers Holding Corp.

Natuklasan pa ng PASG na isang cargo van na may plakang TWG-761 ang ginagamit ni Coral sa pagdedeliver ng repacked na asukal. 

Iginiit pa ni Villar, mag­papatuloy ang kanilang operasyon laban sa mga illegal na sugar traders sang-ayon na rin sa ka­nilang memorandum of agreement ng Sugar Re­gulatory Administra­tion. (Rudy Andal)

Show comments