Nakahandang magbigay ng “refund” ang National Power Corporation (Napocor) kaugnay ng kinukuwestiyong isyu ng “overcharged” o sobrang singil na ipinapataw nito sa mga consumer sa singil sa kuryente.
Sa isang press statement, sinabi ng Napocor na inihahanda na nila ang pagsosoli ng P40 senti mos refund para sa kanilang consumer sa Luzon at P39 sentimos naman sa mga taga-Mindanao.
Una rito, pinagpapaliwanag ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Napocor hinggil sa kabiguan nito na maisumite ang kanilang aplikasyon sa ilalim ng Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM) at Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA) mula Hulyo 2006 hanggang Marso 2008.
Ayon sa ERC, lumalabas na nagkaroon ng over-recovery o sobrang singil ang Napocor ng P20 sentimos per kilowat-hour (kwh) o kabuuang P10 bilyon sa loob ng nabanggit na panahon.
Nakahanda naman umano ang Napocor na magpaliwanag sa ERC hinggil sa isyu.
Sa katunayan, nakatak da na rin ang paghahain nila ng aplikasyon para sa GRAM at ICERA subalit hinihintay lamang umano ang pinal na desisyon ng power board ukol dito.
Kaugnay nito, muli namang nanindigan ang Napocor na hindi sila nag-overcharged sa mga customer sa singil sa kuryente na dagdag pasakit lalo na sa mahihirap. (Joy Cantos)