Bayani pagpapaliwanagin sa MMFF

Nakatakdang ipata­ wag ngayong Martes ng  Senado si Metro Manila Development Authority Chairman Bayani Fernan­do kaugnay sa sinasabing iregularidad ng panganga­siwa ng Metro Manila Film Festival.

Nais silipin ng Senate Committee on Public Information and Mass Media na pinamumunuan ni Sen. Ramon “Bong” Re­villa Jr. kung papaano ki­na­kalap at pinamamahagi ng MMDA ang kita ng MMFF. Ang MMDA ang namamahala sa nasabing film festival.

Ginawa ng mataas na kapulungan ang hakbang  bilang tugon naman sa mga reklamo ng mga major stakeholders sa lokal na industriya ng  pelikula.

Sinabi ni Revilla na may mga kinukuwestiyon ang mga local  film industry sa paghahawak sa pondong mula sa film fest. Nangangamba ang mga ito na hindi pa rin malinaw ang mga alituntunin sa pamamahagi ng kita sa mga benepisaryo nito.

Nakasaad sa doku­men­tong hawak sa nga­yon ng senador na lumili­taw na magulo ang kom­pu­tasyon sa mga beni­pi­saryo sa MMFF  mula noong taong 1986 hang­gang 2001, na umaabot umano sa 19% ang percentage ng amusement tax sa gross ng MMFF, na bumaba pa ito sa 10% sa 2002 at mas lalong lumag­pak pa sa 3% noong 2006. (Malou Escudero)

Show comments