Isa pang suspek sa na bigong kudeta sa Oakwood Hotel sa Makati City noong Hulyo 2003 ang tuluyang sumuko na sa Philippine National Police (PNP) nitong nakaraang linggo.
Kinilala ni PNP Chief, Director Gen. Avelino Razon Jr. ang suspek na si ret. Amy Master Sgt. George Duldulao, national secretariat chairman ng Philippine Guardians Brotherhood Inc.
Sinabi ni PNP Intelligence Group Director, Chief Supt. Rolando Anonuevo na una nang nagpadala ng “surrender feelers” si Duldulao sa isa nilang opisyal.
Kasama si Duldulao sa mga sinampahan ng kasong kudeta sa Makati Regional Trial Court branch 145 kabilang sina Sen. Gregorio Honasan, Felix Turingan, Virgilio Briones, Ernesto Macahiya, Romeo Lazo at Lina Reyes.
Una nang nagpalabas ang Department of Interior and Local Government ng P250,000 reward para sa impormasyon upang madakip si Duldulao. (Danilo Garcia)