Customs personnel sabit sa P23-M smuggled luncheon meat

Iniutos ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang pagsasampa ng kasong administratibo at kriminal laban sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) na naka-assign sa Sub-port ng Curi­mao, Ilocos Norte dahil sa diversion ng untaxed containers na naglalaman ng P23 milyong halaga ng luncheon meat mula sa Clark, Pampanga patu­ngo sa Port Point, La Union. 

Sinabi ni PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr., dapat imbesti­gahan at kasuhan si Ra­mon Imbisan ng BOC whar­finger at iba pang BOC personnel na naka­talaga sa Sub-port ng Currimao ga­yun­din sina Richard Gue­rero ng Aurum Consolidated Inc. at Josephine Cruz, marketing manager ng Value City.

Ito’y matapos makum­piska ng PASG sa pa­mamagitan ng Warrant for Seizure and Detention na ipina­labas ng Customs Collector ng Port of San Fer­nando ang 5 container vans na nag­la­laman ng 12,025 kahon ng imported Hormel luncheon meat sa warehouse no. 3 ng Aurum Pacific Consolidated.  

Ayon kay Usec. Villar, umabuso si Imbisan sa kan­yang tungkulin mata­pos nitong payagan na maila­bas ang cargo para sa temporary warehousing purposes. 

Sa foreign transshipment declaration na ipi­nalabas ng SBMA ay pa­tungong Vietnam via Curi­mao, Ilocos Norte ang final destination ng kar­gamento subalit hindi ito sinunod ng shipper dahil hindi naman ito dumaan sa Subic kundi sa Clark patungong Curi­mao na tinanggap naman ng BOC officials doon. (Rudy Andal)

Show comments