Ace Durano, dalawa na ang puwesto sa gobyerno

Nagsimula na ang balasahan sa Gabinete ni Pangulong Arroyo mata­pos italaga ng Malaca­ñang si Department of Tourism Secretary Joseph Ace Durano sa kanyang ikalawang puwesto bilang bagong general manager ng Philippine Tourism Authority (PTA).

Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bun­ye, natapos na ang ter­mino ni Robert Dean Barbers bilang general manager ng PTA.

“Ang termino ng dating GM  Robert  Dean  Barbers nag-expire na,” ani Bunye.

Matatandaan na sina­bi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na sigurado siyang ang mga itata­lagang bagong miyembro ng Gabinete ang posi­bleng magiging manok ng administrasyon sa 2010 senatorial elections.

Ipinunto ni Santiago na mangangailangan ng “exposure” ang mga se­natorial candidates ng administrasyon kaya si­guradong mapapakinaba­ngan ng mga ito kung maitatalaga sila bilang mga miyembro ng Gabi­nete bago ang eleksiyon. (Malou Escudero)

Show comments