Nagbabala kahapon si Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) head Undersecretary Antonio “Bebot” Villar Jr. sa posibleng outbreak ng nakamamatay na Avian Flu sa bansa kapag nagpatuloy ang pagdagsa sa merkado ng mga exotic fowl meat mula sa mga Asian countries dahilan sa korupsyon sa Bureau of Customs (BOC).
Ito ang naging babala ni Villar matapos silang makatanggap ng impormasyon na libo-libong frozen na Peking ducks na nasabat mula sa isang warehouse sa Navotas noong nakaraang linggo ang hindi dumaan sa inspeksyon mula sa local veterinary.
Nababahala si Villar sa maaring idulot ng mga smuggled na Peking ducks sa kalusugan ng publiko matapos itong makatanggap ng impormasyon na hindi rin ito dumaan sa inspeksyon ng mga Chinese authorities.
Nag-orihinal sa bansang Asia ang nakamamatay na virus kung saan libo-libo ang nasawi kaya naghigpit ang mga otoridad sa pag e-export ng mga exotic fowl meat kabilang dito ang kilalang Peking duck. (Gemma Amargo-Garcia)