Bilib kay Lozada, marami

Mayorya ng mga Pili­pino ang naniniwala sa ibinunyag ng testigong si Rodolfo Noel Lozada Jr.  hinggil sa anomalya sa na­udlot na $329.48 mil­yong kontrata ng pama­ha­laan at ng ZTE Corp. ng China sa national broadband network proj­ect.

Ito umano ang isi­naad sa first quarter survey ng Social  Weather Stations sa website nito na nag­sasabing kara­mihan ng mga respondent ay nani­niwalang pi­nalabas noon ng bansa ng ilang opisyal ng pa­ma­halaan si Lo­zada para maiiwas itong tu­mes­tigo sa imbesti­gas­yon ng Senado sa NBN. Nanini­wala rin sila na dinukot si Lozada pag­dating niya sa Ninoy Aquino International Airport. (Angie dela Cruz)

Show comments