Salapuddin ipinaaaresto

Nagpalabas ng warrant of arrest ang Que­zon City Regional Trial Court laban kay dating Basilan Congressman Abdulgani “Gerry” Sala­puddin at iba pang sang­kot sa pambobom­ba sa gusali ng House of Representatives na pumaslang ng isang mambabatas at iba pa noong Nobyembre 13, 2007.

Kasama sa ipina­aresto ni Judge Ralph Lee ng QCRTC Branch 83 sina Benjamin Ha­ta­man alyas Jang at pin­san ni Anak Minda­nao party-list Rep. Mujiv Ha­taman, dating Basi­lan Mayor Hajaron Ja­miri at Police Officer 1 Bayan Judda.

Itinakda naman ng hukom ang arraignment sa mga akusado sa Abril 30 ganap na alas 8:30 ng umaga. Wala na­mang piyansang inere­komenda ang korte para  sa pansamantalang ka­layaan ng mga suspek.

Ang warrant of arrest laban sa mga suspek ay ipinalabas ni Lee ma­karaang makakita ito ng probable cause para idiin ang mga akusado sa kasong multiple murder at multiple frustrated murder.

Namatay sa pagsa­bog sina Basilan Rep. Wahab Akbar, Marcial Taldo,ang driver ni Ga­briela Party-List Rep. Luzviminda Ilagan; ta­uhan ni Akbar na si Jula­siri Niki Huyudini at em­pleado ng Kongreso na si Maan Gale Busta­lino.

Unang sinasabi sa mga ulat na si Sala­pud­din ang kilalang matin­ding kaaway sa pulitika ni Akbar, ang umanoy utak sa pagsabog.

P500,000 reward naman ang tinanggap  kahapon ng masu­wer­teng tipster na nagbigay ng impormasyon sa pagkaka-nuetralisa sa isang Abu Sayyaf explosive expert/sub leader at 2 iba pa napatay sa raid habang  tatlo pa ang na­ aresto kaugnay ng ma­­dugong pambo­bom­ba.

Sa ginanap na media briefing, pormal nang tinanggap ng lalaking tipster ang gantimpala na iniabot nina National Capital Region Police Office Chief Director Geary Barias at AFP-National Capital Region Command Chief Major Gen. Fernando Mesa sa Camp Aguinaldo.

Nanawagan si Ba­rias kay Salapuddin at iba pang suspek na sumuko na.

Show comments