20 bagyo papasok

Nakaambang tuma-  ma sa bansa ang 20 bag-yo sa taong ito kaya nga­yon pa lamang ay pinagha­handaan na ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) ang posib­leng pinsala na maaring idulot ng bagyo. 

Sinabi ni Dr. Anthony Golez Jr., NDCC spokes­man at Deputy Director ng Office of Civil Defense (OCD), nauna nang puma­sok sa bansa ang bagyong Ambo bagaman bahagya lamang ang pananalasa nito sa Visayas Region. 

Kasabay nito, tiniyak naman ni Golez na may sapat na kahandaan ang NDCC-OCD sa gitna na rin ng forecast ng PAGASA sa nagbabadyang pagtama sa Pilipinas ng 20 mala­la-kas na bagyo sa buong taon.

Ayon kay Golez, nak­ iki­pag-ugnayan na ang NDCC sa PAGASA-Department of Science and Technology (DOST) kaugnay sa pro­ ble­ma sa kagamitan ng tanggapan para maging accurate ang mga weather forecasts.

Samantala, tuluyan ng naglaho ang namataang “shallow low pressure   area” sa katimugang ba-ha­gi ng bansa.

Ayon kay  Robert Sawi ng PAGASA-forecasting center, hindi na makakaa­pekto sa alimang bahagi ng Mindanao ang naturang namuong sama ng pana­hon sa halip ay ang “inter­tropical convergence zone” na lamang ang iiral hang­gang sa mga susunod na araw.

Pulo-pulong pag-ulan pa rin ang mara­ramdaman sa Mindanao hang­gang sa pagpasok ng su­sunod na linggo habang banayad hanggang sa may kaunting pag-ulan naman ang iiral sa Luzon.

Nilinaw naman ng PAG­ASA na hindi pa tapos ang mainit na panahon kaya posible pa rin na umiral ang matinding alinsangan sa susunod na linggo parti­ kular na sa Metro Manila, Bicol at Tuguegarao. (Joy Cantos)

Show comments