Presyo ng hotdog, tocino, longganisa atbp. tataas

Itataas na rin ang presyo ng mga processed meat dahil sa hindi mapigilang patuloy na pagtaas ng presyo ng karne at pagkakaroon ng shortage ng supply nito. 

Sa kalatas ng Philippine Association of Meat Processors, Inc. (PAMPI), nakatakda nilang itaas anumang araw mula ngayon ang presyo ng lahat ng mga processed meat sa mga pa­milihan sa buong bansa.

Sinabi ni Francisco Buencamino, executive di­rector ng PAMPI, aabu­tin ng 10-15 porsiyento ang ipapatong na presyo sa kada-kilo ng iba’t ibang klase ng processed meat tulad ng hotdog, sausage, hamon, bacon at iba pa.

Kabilang sa mga ma­apektuhang processed meat ay ang longganisa o chorizo, tocino at corned beef na karaniwang naka­ka­­ya­nang bilhin ng mga ordi­­naryong mama­mayan.

Napag-alaman pa na malaki rin ang naiambag sa nakatakdang taas-presyo ng processed meat ang kakulangan ng supply ng mga karne ng mga hog raisers sa bansa pati na ang pagtaas ng mga rekado o panguna­hing sangkap sa pag­gawa nito, maliban pa sa nakaambang taas-sahod sa mga manggagawa. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments