May-ari ng Green Cross humihingi ng proteksiyon

Umapela kahapon sa gobyerno ang may-ari ng kumpanyang Green Cross na protektahan sila laban sa ginagawang harassment sa kanila ng dating presidente nito.

Base sa pahayag ni Anthony Co, may-ari ng Green Cross, na ang pa­milya ni Gonzalo Co mas kilala bilang Co It ay si­nampahan sila ng mga walang basehang kaso sa ibat-ibang korte upang mapilitan silang magbigay ng pera para sa shares of stock na ibinenta na ni Gonzalo sa pagitan ng 1971 at 1986.

Kinasuhan ni Gonzalo ng Estafa ang kanyang mga kapatid at mga pa­mangkin matapos nitong angkinin ang kumpanya kahit na nakapangalan ito sa kanyang mga kapatid at ina base na rin umano sa principle of implied trust.

Subalit base sa resolution ng Department of Justice (DOJ), hindi na pag-aari ni Gonzalo ang kum­panya at wala na itong shares matapos siyang mag-isyu ng Deed of absolute sale noong 1985 at wala rin umanong pami­milit o dahas na nangyari sa naganap na bentahan.

Nanawagan naman sa DOJ ang pamilya ni Anthony Co sa Anti-Money Laun­dering Council (AM­LAC) na gawin ang nara­rapat at huwag hatulan ang isang inosente na biktima lamang ng har­rass­ment.

Ang panawagan ni Co ay bunsod sa ulat na hini­hiling ng DOJ sa AMLC na imbestigahan ang uma­no’y posibleng money laundering ng pamilya Co base na rin umano sa alegasyon ni Gonzalo. 

Umaasa din ang pa­milya Co na ang AM­LAC na hindi nila papa­yagang magamit ni Gon­zalo para lamang maka­paghiganti ito laban sa ka­nilang pa­milya. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments