Siniguro kahapon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang pagbibigay ng karagdagang tulong sa may 300 pamilyang biktima ng sunog nitong kamakalawa.
Ayon kay Echiverri, kaagad niyang iniutos sa City Engineer’s Office ang pagbibigay ng mga light building materials at ang pagtatayo ng mga pansamantalang tirahan para sa mga apektadong residente ng 2nd Street at 4th Avenue malapit sa La Loma cemetery.
Maliban sa mga itinayong pansamantalang bahay para sa mga biktima, iniutos din ni Echiverri sa City Social Welfare Department ang pamamahagi ng mga relief goods at rasyon ng pagkain.
Kabilang sa mga ipinamahaging tulong ni Mayor Echiverri para sa mga pamilyang nasunugan ay mga grocery items tulad ng instant noodles, bigas, canned goods, sugar and coffee.
Nauna nang nagpadala si Echiverri ng mga medical personnel para magsagawa ng tulong medikal para sa mga apektadong pamilya.