Dalawa sa pangunahing lider ng rebeldeng grupong Magdalo ang hinatulan kahapon ng Makati Regional Trial Court ng parusang 40 taong pagkabilanggo kaugnay ng Oakwood mutiny noong Hulyo 2003.
Kinilala ng korte ang dalawa na sina Capt. Gerardo Gambala at Capt. Milo Maestrecampo na pinatawan ng parusang mula 20 hanggang 40 taong pagkabilanggo na may katumbas na ring habambuhay.
Gayunman, pinatawan lang ng parusang mula anim hanggang 12 taong pagkabilanggo ang mga kapwa akusado nila na sina Captains Alvin Ebreo, Laurence Louis Somera, Albert Baloloy at John Andres; 1Lt. Florentino Somera, 2Lt. Kristoffer Bryan Yasay at 1Lt. Cleo Dongga.
Ang mga nasentensyahang dating sundalo ay kabilang sa 31 miyembdo ng Magdalo na nahaharap sa kasong coup d’ etat dahil sa pagtatangka nilang ibagsak ang gobyerno nang kub kubin nila ang Oakwood hotel noong 2003.
Posibleng pagkalooban ng executive clemency o presidential pardon ni Pangulong Gloria-Macapagal-Arroyo ang siyam na nasentensyahan kahapon na mga miyembro ng rebeldeng grupong Magdalo dahil sa pagpa pakumbaba, paghingi ng paumanhin sa Pangulo noong 2004 at pag-amin ng mga ito sa kanilang nagawa at partisipasyon sa Oakwood mutiny.
Sa panayam kay Atty. Trixie Angeles, isa sa mga abogado ng Mag dalo,sinabi niya na sa sentensiyang ipinataw kina Gambala at Maestrecampo ay walang naganap na bargaining o kapalit ng kanilang nasabing pag-amin subalit malaki umano ang tsansa ng mga ito na pagkalooban ng pardon ng Pangulo.