Tutol si Laoag Bishop Sergio Utleg na gamitin ang simbahan sa pagbebenta ng bigas.
Sinabi ni Utleg na naniniwala siyang hindi dapat ang simbahan ang magbenta ng bigas dahil ito ay paraan lamang ng pamahalaan upang makita ng publiko na may ginagawa sila upang masolusyunan ang problema ngayon sa bigas ng bansa.
Sinabi ni Utleg na mayroon namang mga social action center na tumutulong sa mga tao at nagpo-provide sa coops ng mga commodities.
Aniya, wala silang balak sa diocese ng Laoag na magbenta ng NFA rice dahil wala naman silang tindahan dito.
Naniniwala rin naman ang obispo na walang krisis ng bigas sa bansa at nagmahal lamang ang presyo nito dahil sa manipulasyon at anomalya.
Ipinaliwanag ni Utleg na mas dapat na lamang gawin ng pamahalaan ang pagkakaroon ng transparency sa kanilang mga proyekto at tulungan ang mga magsasaka sa Pilipinas at hindi magsasaka ng Thailand o Vietnam. (Doris Franche)