Sinabi ni Paranaque Rep. Roilo Golez na kakalkalin nila sa Kongreso ang nagpondo kaugnay sa mga tarpuline ni MMDA Bayani Fernando na nagkalat sa kahabaan ng EDSA.
Ayon kay Golez, dapat nakahandang sagutin ni Fernando ang mga kasong katiwalian na ihahain sa kanya oras na napatunayan na pera ng pamahalaan ang ginamit nito para i-display ang kanyang mga litrato sa EDSA.
Sinabi ni Golez, hihilingin niya sa Special Committee ng Kongreso na imbestigahan si Fernando dahil nagdeklara na rin itong tatakbo sa panguluhan sa 2010 election. (Butch Quejada)