P60 umento igigiit

Dahil  sa  pagtaas ng presyo ng bigas at langis,  nananawagan sa pamahalaan ang Trade Union Congress of the Philippines sa pagtataas sa sahod ng mga manggagawa.

Sinabi kahapon ni TUCP Spokesman Alex Aguilar na ikino­kon­sidera nila ang pagsa­sampa ng petisyon para  sa P60 dagdag sa take home pay ng mga mang­gagawa sa Metro Manila.

Idinagdag niya na ihahain nila sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region sa susunod na dalawang linggo ang petisyon at ihahain nila sa susunod ang kahalintulad na kahi­lingan sa iba pang wage board sa buong bansa.

Bukod sa umento, hihilingin din nila ang tax break para sa mga minimum wage earner para makatugon  ang  mga  ito sa tumataas na presyo ng mga pangu­nahing bilihin.  (Mayen  Jaymalin)

Show comments