Mariing pinabulaanan kahapon ng Korte Suprema ang pahayag ni dating Pangulong Joseph Estrada na bayad utang lamang ang naging desisyon nito na pumapabor sa petition ni Commision on Higher Education Chairman Romulo Neri.
Sinabi ni Atty. Midas Marquez, tagapagsalita ng Supreme Court, na walang katotohanan ang pahayag ni Estrada dahil maging ang ilang Mahistrado na appointee ng Pangulong Arroyo ay bumoto nang hindi pabor sa Neri.
Idinagdag pa ni Marquez na kung susuriing mabuti umano ang ipinalabas ng SC kaugnay sa naturang isyu ay makikitang hindi ito naging bias sa ginawang desisyon. (Gemma Garcia)