Inabsuwelto ng Court of Appeals si dating Occidental Mindoro Jose Villarosa at tatlo pang kasamang hinatulang guilty kaugnay sa kasong pagpatay sa magkapatid na Quintos noong 1997.
Batay sa mahigit 100 pahinang desisyon ng CA 5th Division, dinismis ang ipinataw na habambuhay na pagkabilanggo ng Que zon City Regional Trial Court laban kay Villarosa bunga ng kawalan umano ng sapat na ebidensiyang mag-uugnay na siya ang responsable sa pamamaslang sa magkapatid na Michael at Paul Quintos, mga anak ng kalaban niya sa pulitika na si Ricardo Quintos.
Inutos din ng CA ang pagpapalaya kay Villarosa na kasalukuyang naka-confine sa St. Luke’s Hospital.
Bukod kay Villarosa, abswelto na rin sa kasong nabanggit sina Ruben Balaguer, Cielito Bautista at Mario Tobias.
Si Villarosa ay una nang napaulat na nawawala sa loob ng New Bilibid Prison noong nakalipas na taon na sa kalaunan ay natuklasang inoperahan lamang pala sa nabanggit na ospital bunga ng karamdaman sa puso.
Samantala, may pagkakataon pa rin umapela ang kampo ni Quintos kaugnay sa desisyon.