Pinangalanan ng University of the Philippines Institute of Plant Breeding (Los Baños, Laguna) ng Hibiscus Senesis “Betty Go-Belmonte” ang isang bagong klase ng gumamela na pinausbong sa naturang pamantasan.
Sinabi kahapon ni Dr. Jose Hernandez, director ng UP Crop Science center, na ipinasya nilang isunod sa pangalan ni Belmonte, yumaong tagapagtatag ng Star Group of Publications, ang bulaklak bilang pagkilala nila rito na isa ring alumni ng UP na naging matagumpay sa larangan ng pamamahayag at negosyo.
Sinabi ni Hernandez na ang variety ng naturang bulaklak na nilikha sa pamamagitan ng cross-breeding, merong apricot lemon yellow petal at pulang mata ay opisyal na ipiprisinta sa kabiyak ni Belmonte na si Quezon City Mayor Feliciano Belmonte sa pagtatapos ng buwang ito bilang bahagi ng pagdiriwang ng buwan ng kababaihan. (Perseus Echeminada)