Panibagong rally vs oil price hike

Nakatakda na namang maglunsad ng sunud-su­nod na kilos-protesta ang mga militanteng gru­po at grupo ng transpor­tasyon matapos ang pa­nibagong pagtataas sa presyo ng langis ng mga kumpanya ng petrolyo.

Sinabi ni Bagong Al­yansang Makabayan (Ba­yan) secretary general Renato Reyes na ilulun­sad nila ang kilos-protesta ngayong Marso 8 kasa­bay ng pagdiriwang ng “International Women’s Day”.

Pinag-aaralan pa uma­no nila kung saan isasa­gawa ang pagkilos na pangungu­nahan ng Ga­ briela.

Nagbanta rin naman ang Pinagkaisang Sama­han ng mga Tsuper and Operators Nationwide (Piston) ng isang mala­king kilos-protesta dahil nga sa pani­bagong P.50 sentimos kada litrong pagtaas sa presyo ng krudo nitong Sa­bado.

Sinabi ni Piston secretary general George San Mateo na hindi naman tumaas ang halaga ng petrolyo sa pandaig­digang pamilihan kundi dahil sa pagtaas ng 2% sa taripa.

Sinabi naman ni Supt. Rodel Sermonia, spokesman ng National Capital Re­gion Police Office (NCRPO) na karapatan ng mga raliyista kung nais nilang magsagawa muli ng demonstrasyon ngunit ka­ilangang nasa limitas­yon ng batas tulad ng pag­kakaroon ng “permit to rally” at kaila­ngang idaan sa mapaya­pang paraan. (Danilo Garcia/Rose Tesoro)

Show comments