Pinababawi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kay Pangulong Arroyo ang pagpapatupad ng EO 464 at payagan ang kanyang mga opisyal na humarap sa pagdinig ng mga mambabatas hinggil sa usapin ng corruption sa bansa.
Batay sa six-point pastoral statement na inilabas ng CBCP, kinokondena nito ang umano”y patuloy na kati walian at corruption sa pamahalaan.
“(We) urge the president and all branches of government to take the lead in combating corruption wherever it is found,” anang CBCP sa kanilang pastoral statement na binasa ni Bishop Leonardo Legaspi.
Ayon sa CBCP ang abolisyon ng EO 464 ay pagbibigay ng pagkakataon sa mga taong may nalalaman sa korupsiyon na humarap sa anumang uri ng imbestigasyon kabilang na ang kontrobersiyal na $329.48-million ZTE NBN deal ng walang sinumang pumipigil.
Umapela din ang CBCP sa mga mambabatas at Ombudsman na maging maingat at maayos sa kanilang mga pagtatanong at huwag haluan ng anumang uri ng publicity at para lamang sa kanilang mga personal na interes. (Doris Franche)