FG balik-Pinas na

Bumalik na sa bansa si First Gentleman Mike Arroyo mula sa biyahe nito sa Hong Kong.

Walang press statement na ibinigay sa media ang Unang Ginoo nang dumating sa NAIA dakong alas-8 kamakalawa ng gabi sakay ng PAL flight PR-307.

Kumaway lamang sa media si First Gentleman matapos itong salubungin ni MIAA General Manager Alfonso Cusi.

Umalis si FG noong Biyernes ng umaga para sa tatlong araw na pagpapahinga at sumailalim sa acupuncture treatment sa HK. (Butch Quejada)

Show comments