JDV nag-padrino sa oil smuggling?

Ibinunyag kahapon ni Presidential Anti-Smuggling Group chief Antonio Villar Jr. na mismong si dating House Speaker Jose de Venecia ang na­ging padrino ng isang oil smuggler sa Subic Free­port.

Ayon kay Undersecre­tary Villar, noong Hunyo ng nakaraang taon ay inim­bitahan siya ni JDV sa ba­ hay nito para sa isang break­fast meeting noong Hunyo 2007 at doon ay ini­la­tag nito ang alok na pumayag na daw siya sa compromise deal at huwag nang kasuhan ang Oil Link Corp. na pag-aari ni Paul Co.

Ipinagmalaki pa raw ni JDV na batid na din daw ni Finance Secretary Mar­garito Teves ang tungkol sa compromise deal kapalit ng hindi pagsasampa ng ka­song oil smuggling kay Co.

Wika pa ni Villar, ang compromise deal na ina­alok ni JDV ay ang pag­babayad na lamang ng P500 milyon ng Oil Link kapalit ng hindi na pagsa­sampa ng kasong technical smuggling at iba pang kaso. (Rudy Andal)

Show comments