Pinay nasagasaan sa Oman, todas

Isang Pilipina ang nasawi nang masagasaan ng  isang humahagibis na sasakyan sa bansang Oman kamakalawa, ayon sa ulat kahapon.

Sa inisyal na report na nakarating sa Department of Foreign Affairs, kinilala ang nasawing biktima na si Flor del Froso, tubong Sta. Rosa, Laguna.

Ang biktima ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Sultan Kabus University Hospital sa Oman.

Batay sa ulat, naglalakad sa tabi ng highway doon si del Froso nang biglang salpukin ng isang rumara­ gasang  sasakyan na minamaneho ng isang Omani national.

Napag-alaman na may  18 taon na sa Oman ang biktima na nagtuturo ng pananahi sa kaniyang mga kababayang Pinoy. (Joy Cantos)

Show comments