Conti suportado ni GMA

Suportado ni Pangu­long Arroyo si Commissioner Nicasio Conti ng Presidential Commission on Good Government (PCGG), ito’y matapos ang sunod-sunod na ne­gati­bong banat sa kanya ng pinuno mismo ng ahensi­yang pinagsisilbi­han niya.

Isa umanong malinaw na pagpapakita ng su­porta ng Pangulo ang pahayag ni Executive Secretary Eduardo Ermita na si Conti ay patuloy pa ring komis­yuner ng ahen­siya sa kabila na rin ng ginawang pagtalaga ni PCGG Chairman Camilo Sabio kay William Di­choso bilang bago uma­nong commissioner.

Matatandaang kama­ka­ilan ay nagpatawag ng isang pulong balitaan si Sabio upang linisin nito ang sariling imahe at inginuso si Conti na siyang nasa likod umano ng P1 milyon na naku­hang donasyon mula sa Philippine Communications Satellite Holdings Corp. para sa Christmas Party noong 2005.

Ikinagulat naman ni Conti ang akusasyon ni Sabio at ang pagtatalaga kay Dichoso bilang Commissioner kapalit niya.

Kasalukuyang nasa United Kingdom si Conti para sa isang Public Sector Reform Course na sponsored ng British Government para sa mga repormang gagawin sa PCGG.

Nangako ito na sa kan­yang pagbalik ay li­linawin ang lahat ng akusasyon sa kanya ni Sabio at ipagpa­patuloy rin nito ang mga anti-corruption campaign ng nasa­bing ahen­sya. (Edwin Balasa)

Show comments