Ikinagalak ni Agriculture Secretary Arthur Yap ang latest survey ng Social Weather Station (SWS) na bumaba ang bilang ng mga nagugutom sa bansa, mula sa 43 percent noong Setyembre 2007 ay bumaba sa 34 percent ngayong Enero.
Isa ang Department of Agriculture sa mga ahensiya ng pamahalaan na inatasan ni Pangulong Arroyo noong nakaraang taon para sugpuin ang kagutuman lalo na sa mga mahihirap.
Sinabi ni Sec. Yap, binuo ng Presidente ang inter-agency task Force kung saan ang DA ang naatasang gumawa ng paraan para makabili ng murang pagkain araw-araw ang mga mahi hirap na Pinoy.
Sinasabing agad na dinagdagan ni Yap ang Tindahan ni Gloria, mula sa dating 5,000 puwesto ay umaabot na ngayon sa 8,000 sa buong kapuluhan, kung saan ay makakabili ng murang bigas, noodles at iba pang pagkain.
Maging ang dating 24 barangay food terminals ay 34 na ngayon na nakakalat sa Metro Manila kung saan ay makakabili ng murang isda, karne ng baboy at manok, gulay at prutas.
Anang Kalihim, sa halagang P150 ay makakabili na ang isang pamilya ng masusustansiyang pagkain para sa tatlong beses na kainan sa loob ng isang araw. (Danilo Garcia)