Pulitiko at boto, laman ng Lenten message ng CBCP

Pagbabago, pulitiko at boto ang sentro ng Lenten message ng Simbahang Katolika.

Nabatid kay Dipolog Bishop Jose Manguiran, dapat na baguhin na ng mga pulitiko ang pagbili ng boto at pagbebenta ng boto ng publiko.

Ipinaliwanag ni Ma­nguiran, ang bentahan at bilihan ng boto ay nagi­ging hadlang para sa ma­ayos at tapat na gob­yerno.

Sa ngayon aniya, ang pamahalaan ay hindi na napamumunuan ng ma­ayos.  Puno ng korupsiyon ang lahat mula publiko hanggang opisyal ng pamahalaan.

Kasabay nito, hiniling din ni Manguiran sa mga tao na ingatan ang   ka­paligiran dahil dito nabu­buhay ang lahat.

Sinabi naman ni Manila Archbishop Gauden­cio Cardinal Rosales, taun-taon naman ipinag­diriwang ang Kuwaresma upang bigyan ng pag­kakataon ang bawat isa na baguhin at magsisi sa mga pagkakamali.

Ito rin ang pagka­kataon ng bawat isa na mas maging malapit sa Diyos upang ma­kamit  natin  ang  tunay na ka­payapaan. (Doris Franche)

Show comments