Nais ni Senador Jamby Madrigal na imbestigahan ng Senate Committees in Constitutional Amendments, Revision of Codes and Laws at National Defense and Security ang pagpapalawig ni Pangulong Gloria Arroyo sa termino o panunungkulan ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Jr.
Sa kanyang Senate Resolution 281, sinabi ni Madrigal na dapat tiyakin na hindi lumabag sa Konstitusyon si Pangulong Arroyo sa pagpapalawig ng tatlong buwan sa termino ni Esperon. (Malou Escudero)