May napili nang susunod na chairman ng Commission on Elections (Comelec) si Pangulong Arroyo kapalit ng nagbitiw na si Chairman Benjamin Abalos.
Kinumpirma kahapon ni Presidential Management Staff chief Cerge Remonde na mayroon nang napili ang Pangulo mula sa isinu miteng shortlist ng search committee.
Nakapili na rin ng dalawang magiging bagong commissioner kapalit ng magreretirong sina Commissioners Ressureccion Borra at Florentino Tuason.
Siniguro ni Remonde na ang susunod na Comelec chair ay magiging katang gap-tanggap sa lahat ng sector at walang pagdududa sa kanyang kredibilidad.
Nilinaw din ng Malacañang official na hindi kagustuhan ng Palasyo na itago ang mga pangalan nang pinagpilian kundi mismong kahilingan ito ng binuong search committee.
Naunang sinabi ni Pangulong Arroyo na ang nais niyang maging chairman ng poll body ay galing sa Korte Suprema. (Rudy Andal)