Umaabot sa 320 tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nakatakdang tumulak sa bansang Haiti at Liberia para magsagawa ng peace keeping mission.
Sa send-off ceremony kahapon sa Camp Aguinaldo, tinagubilinan ni AFP Chief Hermogenes Esperon Jr. ang Pinoy contingent na ipakita ang propesyonalismo sa kanilang pagsisilbi sa nabanggit na mga bansa.
Ang unang batch na 165 tropa ay tutulak sa Liberia sa pamumuno ni Col. Narciso Alamag sa Miyerkules at ang ikalawang batch ay sa Pebrero 6 habang ang 155 pa na pamumunuan naman ni Col. Rodrigo Diapana ay tutungo sa Haiti sa Enero 30.
Tatanggap sila ng allowance mula sa United Nations na tatlong beses na mas mataas sa base pay ng naturang mga sundalo sa Pilipinas at ang mga opisyal naman ay makakatanggap ng 2 1⁄2 na mas mataas sa kanilang base pay. (Joy Cantos)