Ako ang original ‘Mr. Palengke’ - Bayani

Tila nais ng bawiin ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Ba­yani Fernando ang ban­­sag na “Mr. Pa­lengke” kay Senator Mar Roxas.

Tahasang ipinagma­laki kahapon ni Fer­nando na siya ang ta­lagang orihinal na “Mr. Pa­ lengke” at nagmistu­lang replika na lamang ang naturang titulo kay Senator Roxas.

Matatandaan na gi­namit ni Roxas ang ti­tulong “Mr. Palengke” nang tumakbo sa pag­ka-senador kung saan umani ito ng ma­raming boto.

Ayon kay Fernando, mula pa sa kanyang pag­ kabata ay sa loob na ng palengke siya guma­gala, kumakain at tuma­tambay kung kaya’t batid niya ang buhay ng mga maninin­dahan at namimili sa loob ng pamilihan.

Wala na umanong pu­litiko sa kasalukuyan ang makakatalo sa kanya kung ang buhay sa pa­lengke lamang ang pag-uusapan dahil si­mula sa pagkabata ay kabisado na niya ang pamumuhay sa loob ng mga pamilihan. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments