Kinatigan kahapon ng Malacañang ang rekomendasyon ng Presidential Anti-Graft Commission na tanggalin sa puwesto ang director ng system and procedures bureau ng Department of Budget and Management na si Virginia Garriel.
Sinasabi ng PAGC na lubhang pinaaga ni Garriel ang pagpapalabas ng notice of cash allocations ng Palawa Council for Sustainable Development, En viromental Management Bureau sa Bicol at Bukidnon Provincial Enviroment and Natural Resources Office.
Nilinaw ng PAGC na nagsagawa sila ng imbestigasyon makaraang makatanggap ng impormasyon hinggil sa umano’y pagtanggap ng reward in cash or in kind para sa maagang release ng kanilang notice of cash allocations. (Rudy Andal)