New Year’s bombing nasilat

Napigilan ng mga awtoridad ang plano ng mga lokal na te­roris­tang grupo na magsa­gawa ng pam­bobomba sa Bagong Taon nang masamsam ang tatlong bomba na itinanim sa isang tulay sa lungsod ng Co­tabato kamaka­lawa ng gabi.

Dakong alas-8:00 ng gabi nang mareko­ber ng nagrespondeng mga elemento ng Co­tabato City Police  ang isang Improvised Explosive Device sa Tang­hal Bridge ng na­turang lungsod.

Ang nasabing bom­­ ba ay may sang­kap na tatlong kilo ng ammonium nitrate na maka­ka­yang lumikha ng malakas na pag­sabog at puminsala hindi la­mang ng na­sabing im­prastraktura kundi pati ng buhay ng mga ino­senteng sibilyan.

Natagpuan rin sa lugar ang apat na improvised blasting caps, dalawang 9 volts na battery at dalawang electric circuits ng door­bell.

Ang bomba, ayon sa mga police explosive expert ay remote triggered na makaka­yang pumatay ng tao hanggang sa layong may 100 metro kung hindi naagapan ang pagsabog nito.

Sinabi ni Sr. Inspector Samson Oba­tay ng Police Mobile Group ng Cotabato City Police na ang nasabing bom­ba ay itinanim ng mga lokal na teroristang grupo na ibig sirain ang peace and order sa lungsod.

Pinaniniwalaan ring ang bomba ay naka­umang sa pag­salu­bong sa Bagong Taon at ma­buti na lamang na nare­kober ito saka na-ide­tonate ng mga ope­ratiba ng pulisya bago  maka­pinsala. (Joy Can­tos)

Show comments