Oil price rollback pinalawig

Dahil sa magan­dang pananaw para sa taong 2008, inihayag kahapon ng Eastern Petroleum na pinala­lawig nila nang isa pang linggo ang pag­babawas sa presyo ng mga produkto nilang langis.  

Sinabi ng Eastern Petroleum na ang pagbabawas sa presyo ng langis na inihayag nila noong Disyembre 6 ay pinalalawig nila hanggang Enero 6.

Sinabi ni Fernando Martinez, tagapangulo ng kumpanya, na gi­nawa nila ang hakbang dahil sa patuloy na paglakas ng piso kontra sa dolyar at  sa positibong pananaw sa industriya ng langis sa taong ito.

Binawasan ng mga oil companies ang kanilang presyo bilang regalo sa mga kon­syumer.

Show comments