Paiigtingin ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang kampanya nito laban sa oil smuggling sa gitna ng panukala ng Senado na suspindihin ang koleksyon ng EVAT sa petroleum products.
Sinabi ni PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr., ang ginawa niyang pagbubunyag sa pandaraya sa buwis ng Oilink International Corp., PTT Philippines Corp., Tri-Solid and Mawab and Andan Resources ay nagresulta sa pagbabayad ng mga ito ng P482 milyon na back taxes at penalties sa gobyerno.
Wika pa ni Usec. Villar, mayroon pa silang babayarang P400 milyon matapos matuklasan ang kanilang technical smuggling.
Inatasan ni Villar ang kanyang mga tauhan na lalong palakasin ang kampanya laban sa oil smuggling partikular sa Subic Bay Free Port upang hindi makalusot ang mga ito sa pagbabayad ng tamang buwis.
Sa pamamagitan nito, wika pa ng PASG chief, ay makakasiguro tayo ng tamang koleksyon ng buwis sa gitna ng panukala ng Senado na suspindihin ang koleksyon ng EVAT sa petroleum products kung saan ay inaasahang aabot sa P40 bilyon ang mawawala sa gobyerno. (Rudy Andal)