Layunin ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales na mas manaig ngayong Pasko ang pagtulong sa kapwa at ang pagtaas ng ekonomiya ng bansa para na rin sa mga mahihirap na Filipino.
Ayon kay Rosales, pinagdarasal niya ngayong Pasko na unahin ng pamahalaan ang mga mahihirap kung gusto nito ang tunay na kapayapaan.
Pinaalala ni Rosales sa pamahalaang Arroyo ang Christian principle na kung may limitasyon ang pagkakaloob ng hustis-ya, wala naman umanong limitasyon ang pagbibigay ng pagkakawanggawa.
Naniniwala si Rosa-les na kung mangingibabaw ang pagkakawanggawa kaysa hustisya mararamdaman ng ba-wat Filipino ang tunay na diwa ng Pasko.
Kaugnay nito, sinabi din ni Rosales na hindi rin dapat na gawing propa ganda ng sinuman ang mga mahihirap at pamimigay ng regalo para sa kanilang mga personal na interes.
Aniya, hangga’t maaari ay dapat na isanta bi ng mga pulitiko ang kanilang trabaho sa tunay na pagtulong sa mga mahihirap. (Doris Franche)