Sa Enero pa ng susu nod na taon ilalabas ng pulisya ang final report ng Glorietta 2 explosion dahil hindi pa umano ito tapos.
Sa panayam kahapon kay Alfie Reyes, spokesman ng Ayala Land Inc. (ALI), kinumpirma nito na wala pa umanong pinal na report ang PNP ukol sa nasabing pagsabog na ikinamatay ng 11 katao at malubhang ikinasugat na man ng mahigit sa 100 pa noong Oktubre 19, 2007.
“No final report yet. We understand from autho rities that they will release it sometime in January,” pahayag ni Reyes sa panayam sa kanya.
Nabatid na una ng nadismaya ang pamunuan ng ALI sa naunang ulat na methane gas theory ng PNP investigators kaug nay sa nasabing pagsabog kung saan mahigpit na itinanggi ng mga una na hindi gas leak ang sanhi ng nasabing insidente.
Samantala, ayon na man sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP), masusi pa umano nilang ikinukumpara ang kanilang resulta sa report at findings ng ALI.
Sa isang panayam kay PNP chief Dir. Gen. Avelino Razon Jr., sinabi nito na masusing ikinukumpara pa umano nila ang kanilang ulat sa ulat ng ALI bago maipalabas ang final report.
Magugunita na una ng inihayag ng PNP na nakatakda nilang ilabas sa publiko ang final re-port kaugnay ng G2 blast noon sanang Miyerkules o bago pa man ang Araw ng Pasko, subalit hindi ito natuloy.
Ayon pa kay Razon na sinisiguro lamang uma-no nila ang maayos at tamang kinalalabasan ng kanilang imbestigasyon kung kaya’t medyo natagalan ito.
Sinabi pa ni Razon na kaya rin umano natagalan ang nakatakdang pagpapalabas ng final report dahil sa masusing revisions ng mga ulat upang maiwasan ang mga pagdududa.
Muli ring nilinaw ni Razon na walang nangyayaring “cover up” sa nasabing imbestigasyon at wala umanong kinala-man dito ang delay ng pag papalabas sa publi- ko ng final report.
Maging ang listahan ng personalidad na nakatakdang kasuhan sa nasa bing pagsabog ay masusing nirerebisa rin umano ng PNP bago ilabas ang pangalan ng mga ito. (Rose Ta mayo-Tesoro/Joy Cantos)