P150-M dibidendo dinugas sa POTC

 Tinatayang P150 mil­ yong cash dividends ng sequestered firm na Philip­pine Overseas Telecom­mu­nications Corp. (POTC) na iniutos na isurender sa Sandiganbayan ang nag­lahong parang bula at hinihinalang ibinulsa ng mga tiwaling opisyal ng korporasyon.

Natuklasan na ang sa­la­ping kinita mula sa ill-gotten wealth ng  mga Mar­coses na nasa pama-      ma­hala ng Africa-Bildner   group ay matagal nang nawawala.

Sa ngayon, sinisikap ng  Sandiganbayan na tun­ tunin ang naglahong hala­ga upang ito’y mabawi at masampahan ng karam­patang kaso ang mga taong dapat managot sa anomalyang ito.

Sinabi ng isang impor­mante na pinag-aaralan na ng mga mahistrado ng Sandiganbayan 3rd Divi­sion ang taktikang ginamit ng Africa-Bildner group sa paglipat ng salapi sa ibat-ibang accounts at kung paano ito babawiin kung hindi kusang maibabalik ang malaking halaga.

Tinitingnan din ang ang­gulo na may sabwatang nangyari sa pagitan ng mga Marcos cronies at ilang dating tiwaling opisyal ng Presidential Commis­sion on Good Government (PCGG) dahil ang salapi ay nasa pangangalaga nila.

Sa 23-pahinang reso­lution na inilabas ng San­diganbayan 3rd Division kamakailan, may karapa­tan ang PCGG na i-se­ques­ter ang shares ng Polygon Investors and Managers Inc., at isauli ito sa gobyerno para sa safe-keeping. 

Iniimbestigahan na rin ang dating opisyal ng PCGG na umano’y naging kasapakat ng Africa-Bild­ner group upang itago ang kinitang P150 milyon  na kinukumpiska ng San­diganbayan. 

Show comments