Natural gas, solusyon sa oil price increase

Ang paggamit ng  natural gas  sa mga tricycle ang nakikitang alternatibong paraan ng isang kompanya mata­pos ang sunud-sunod na pag-akyat ng presyo ng krudo sa bansa

Sa pamamagitan ng makabagong  teknolo­hiya ng Energtek ay may kakayahang  mapapa­takbo nito ang mga tray­sikel gamit ang natural gas sa halip na gasolina, na ang kasalukuyang presyo ay P45 kada litro gayung ang natural gas ay nagkakahalaga la­mang ng P20 kada litro.

Ayon kay Jo Mag­cale, representative ng Energtek sa bansa, malaking benepisyo ang maibibigay ng natural gas sa mga tricycle dri­ver at operators particular ang mga gumagamit ng 2 stroke na traysikel.

Plano din ng Ener­gtek matapos ang kani­lang incentive conversion program sa mga traysikel ay isusunod nila  ang mga  dyip, bus at taxi. (Doris  M. Fran­che)

Show comments