Testigo sa Batasan blast bumaligtad

Bumaligtad ng ang pangunahing testigo ng gobyerno kaugnay sa naganap na Bata­san Complex blast na iki­nasawi ni dating Ba­silan Representative  Wahab Akbar at ikina­sugat ng 12 iba pa.

Harapang isinalay­say ni dating Tuburan, Basilan Mayor Haja­rum Jamiri, sa media ang mga dahilan kung bakit umano siya uma­min sa nais ipagawa ng gobyerno na tumestigo at pagdadawit kina Congressman Mujiv Hataman at dating Congressman Gerry Salapuddin sa pagpa­pasabog sa lobby ng Batasan Complex.

Ani Jamiri, puwer­sahan siyang pina­pirma sa  nasabing affidavit makaraang tor­tyurin ng mga awto­ridad na dumakip sa kaniya.

Kabilang umano sa dinanas na pahirap sa kamay ng mga awto­ridad ang pambubug­bog, pagkuryente sa kaniyang ari at pagpisil sa testicles.

Maliban pa rito, ‘tinubig’ sa terminolo­hiya ng mga pulis, o bi­nuhusan pa umano ng mga ito ng malamig na tubig ang kaniyang ilong na halos hindi na siya makahinga. Ang lahat ay ginawa sa ka­niya  sa loob ng isang sikretong lugar bago pa siya dalhin ng mga pulis sa Kampo Krame.

Dagdag pa ni Ja­miri, wala naman talaga siyang kinalaman sa pagpapasabog sa Bata­san Complex at nabatid niya lamang ang tungkol dito nang mabalitaan na niya sa media. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments