Itinalaga ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang miyembro ng Supreme Court si Sandi ganbayan Special Division presiding Justice Teresita de Castro.
Ayon kay Presidential Spokesman at Press Secretary Ignacio Bunye, ang appointment ni de Castro bilang miyembro ng High Tribunal ay epektibo pa noong Disyembre 1 matapos itong piliin ni Pangulong Arroyo mula sa listahan ng mga nominado.
Si de Castro ang nag-convict kay dating Pa ngulong Erap Estrada sa kaso nitong plunder.
Kabilang sa mga pinagpilian ni Pangulong Arroyo ay sina Justices Martin Villarama Jr at Edgardo Cruz ng Court of Appeals; Sandiganbayan Justices de Castro, Edilberto Sandoval at Francisco Villaruz Jr; at Labor Secretary Arturo Brion na isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC). (Rudy Andal)