Hindi lamang si M/Sgt. Pablo Martinez ang dapat na pinagkalooban ng conditional pardon ng Malakanyang upang makalaya, kundi ang lahat ng mga kasamahan nito na itinuturong sangkot sa Aquino-Gal man double murder case.
Ito ang inihayag kaha pon ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC) Executive Secretary Rodolfo Diamante.
Ani Diamante, sa loob ng 20 hanggang 25 taon ay nagdusa na umano ang mga nasabing bilanggo kaya siguradong na-rehabilitate na ang mga ito at hindi na kinakailangan pang magdusa ng mas matagal pa.
Inihayag din nito na maging si dating Pangulong Estrada na convicted sa kasong plunder ay binigyan ng pardon ng Pangulo kahit na hindi pa nabibilanggo dahil sa edad nito kay maaari rin naman umanong gamitin itong basehan ng Pangulo para sa iba pang bilanggo sa Aquino-Galman case na nabilanggo na ng mahigit sa 20 taon.
Nagpahayag din na man ng paniniwala si Diamante na posibleng hindi talaga alam ng mga akusado sa krimen kung sino ang utak sa likod nito dahil kung alam umano nila ay malamang na matagal na nila itong ibinunyag sa tagal na nilang nagdurusa sa bilangguan. (Mer Layson)