Inirekomenda na ng World Bank (WB) na bawiin ang suspension sa pagpapalabas ng $232 milyong loan para sa National Roads Improvement Management Projects.
Ito ang inihayag kahapon ni Budget Secretary Rolando Andaya Jr. sa ginanap na media briefing sa Malacañang matapos siyang makipagpulong kay WB country manager Maryse Gautier.
Sinabi ni Sec. Andaya, pumayag na rin ang WB na gamitin ang rules natin sa pagpapatupad ng bidding process at procurement system.
Nilinaw din ni Andaya na kaya pansamanta lang pinigil ang pagpapalabas ng naturang loan ay dahil hinihintay ng WB ang resulta ng imbestigasyon ng isang independent integrity group kaugnay sa bidding process at kung paano ipinatupad ang phase 1 ng proyekto.
Ipinaliwanag pa ni Andaya, inakala lamang ng WB na nagkaroon ng overpricing sa bidding ng proyekto dahil ang ginamit na bidding rules ay ang rules ng WB na walang ceiling limits. (Rudy Andal)