Muling nagtala ng ka saysayan ang pinakamatandang simbahan sa Taguig City nang idaos dito ang libreng pagpapabinyag sa mahigit na 400 bata sa ilalim ng Binyagan sa Barangay ng Hulong ng Langit Foundation ng pilantropo at populistang si Mark Jimenez.
Sina Fr. Ernesto Perus at Fr. Paulino Baltazar ang nagmisa sa dalawang grupo ng mga bininyagang bata sa 428-taong Shrine of St. Anne sa Barangay Sta. Ana noong Biyernes ng umaga.
Katulad ng mga na unang binyagan, sinagot ni Mark Jimenez ang mga damit, sapatos at handa ng mga batang bininyagan na may edad anim pababa.
Ang libreng binyagan sa barangay ay naglalayon na pabinyagan ang isang milyong bata, 50,000 sa Metro Manila at 950,000 naman sa mga lalawigan.
“Hulog ng langit talaga sa amin si MJ, kasi sa hirap ng buhay ngayon at sa katulad naming mga mahihirap hindi biro ang gastos sa pagpapabinyag,” ani Aling Luz, isa sa mga magulang nang nabinyagan.