DILG Press Corps may bagong opisyales

Naghalal ng mga bagong opisyales ng Department of Interior and Local Government (DILG) Press Corps nitong nakaraang Lunes.

Nanalo sa pamamagitan ng “landslide” bilang bagong pangulo si Joel dela Torre ng People’s Journal; Boy Santos ng Phil. Star, Noel Abuel ng Abante at Jimmy Mendoza ng DZAR bilang mga Bise-Presidente; Imee Dizon ng Saksi, kalihim; Tuesday Niu ng DZBB, ingat-yaman; Kaizer Daquita ng DZMM, auditor; Rolly Salvador ng Malaya at Nick Agustin ng Police Files bilang mga Sgt. At Arms. Nahalal naman bilang P.R.O. si Danilo Garcia ng Pilipino Star Ngayon.

Si Manila Standard Today Joel Egco ang hinirang na Chairman of the Board habang mga miyembro nito bilang director sina Jun Fabon, Balita; Gerry Abaya, Hataw; Art Torres, Manila Bulletin; Fenny Pineda at Alex Ching, Remate; at Benedict Abaygar ng Tanod.

Pinapurihan naman ni National Press Club president Roy Mabasa ang mga bagong halal na opisyales.

Show comments