Pag-ilit sa yaman ni Erap haharangin

Iginiit ni dating Pangu­long Joseph Estrada sa Sandiganbayan na itigil na nito ang forfeiture proceedings na ginagawa para makumpiska ng pamaha­laan ang kanyang ari-arian na hindi naman kasama sa mga kinuku­westyon sa kanyang anim na taong plunder trial.

“The decision says forfeiture, it refers to specific property. The P545 million allegedly from jueteng operations, P189 million from the Jose Velarde account and Boracay mansion. They cannot go beyond what’s not been stated in the judgment,” sabi ni Atty. Jose Flami­niano. 

Napag-alaman na nag­sampa ng motion to quash writ of execution ang mga abogado ni Estrada kung saan hiniling nila na mag-hearing sa Nobyembre 16 para mapatunayan nilang labag sa kautusan ng korte ang pagkuha sa ibang ari-arian ni Erap. 

Nais ng kampo ni Es­trada na mag-isyu ang korte ng temporary restraining order (TRO) para mapigilan si Sandigan­bayan Sheriff Ed Urieta na ipatupad ang seizure order.

Pero ayon kay Atty. Renato Bocar, tagapag­salita ng Sandiganbayan, itutuloy pa rin nila ang pag-kumpiska sa mga ari-arian ni Erap hangga’t walang ilalabas na TRO. (Angie dela Cruz)

Show comments