Umabot sa 27 metriko toneladang prutas mula sa Davao City, Kidapawan City at North Cotabato ang naibenta sa Metro Manila sa pamamagitan ng Mindanao Fruits Festival.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Salvador Salacup, na nakapagtala ang Minfruit Council ng kabuuang kita na P2.56M nang simulan ang nasabing festival noong nakalipas na Setyembre 15 ng kasalukuyang taon.
“This is a good development, and it’s a good indicator that there is a big demand for the Mindanao fruits in Metro Manila,” pahayag ni Salacup.
Kasabay nito, sinabi Department of Agriculture (DA) Sec. Arthur Yap na magtatayo pa sila ng maraming pami lihan sa iba’t ibang bahagi ng Kamaynilaan para paglagyan ng nasabing mga exotic fruits kabilang ang durian. Sinabi ni Yap na nagkasundo na ang ahensya at ang samahan ng Mindanao Fruits Industry Development Council (Minfruit Council) upang maging matagumpay ang naturang proyekto na suportado ng Japan Grant Assistance for Underprivileged Farmers.
Sa kabilang banda, inamin naman ni Benjamin M. Roy, executive director ng Minfruit Council na P1.6M halaga ng durian ang naibenta habang P960, 000 naman ang mula sa iba pang exotic fruits. (Angie dela Cruz)