Bagyong Kabayan lalong lumakas

Lalo pang lumakas ang bagyong Kabayan na inaasahan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na lalapag sa lalawigan ng Aurora at Isabela ngayong araw.

Nabatid na taglay ngayon ng bagyo ang lakas ng hangin na 95kph mula sa gitna at may pagkilos ng hang­gang 120kph. Patungo ito sa direksyong Kan­luran Timog kanluran sa bilis na 19kph.

Inaasahan na lu­mapag sa kalupaan ang bagyo kagabi sa Aurora at nasa 40 kilometro ng Dagupan City ngayong umaga.  Posible naman na ma­kalabas ng Pili­pinas sa Miyerkules ang bagyo na maaaring nasa South China Sea na.

Nakataas ngayon ang signal no. 2 sa mga lalawigan ng Ca­gayan, Isabela, Quirino at Aurora.  Signal no. 1 naman sa mga lalawi­gan ng Kalinga, Apa­yao, Ifugao, Mt. Province, Ilocos Nor­te, Ilocos Sur, Abra, La Union, Pangasinan, Nue­va  Vizcaya, Nueva Ecija, Quezon, at Polilio Island.

Inaasahan na ma­ka­karanas ng malala­kas na hampas na alon ang mga karagatan na naka­taas ang storm signal 1 at 2 habang pi­naalala­hanan ang mga nakatira sa mababang lugar at nasa bundok na mag-ingat sa posibleng landslides at flashfloods.  Patuloy rin naman na makakaranas ng mala­kas na hangin ang Ba­tanes group of Island at Babuyan Islands.  (Da­nilo Garcia)

Show comments