Violence Toll sa Bgy. at SK polls: 25 patay, 22 sugatan

Dalawamput-lima ka­tao ang nasawi, ha­bang 22 naman ang na­suga­tan at isa ang nawa­wala sa mga karaha­sang na­itala ng Philippine National Police (PNP) kaug­nay sa nag­daang Ba­rangay at SK elections.

Ito ang inihayag ka­ha­pon base sa pinaka­huling update sa kaga­napan ng halalan  na ipinalabas ng Philippine National Police mata­ pos na magsara na ang mga polling centers dakong alas-3 ng hapon hang­gang sa pag-uum­pisa ng bilangan ng mga balota.

Sinabi ni PNP Chief Director General Ave­lino Razon Jr., na naka­pagtala ang PNP ng ka­buuang 48  Election Related Violence Incidents (ERVIs) simula noong Setyembre 29 sa pag-uumpisa ng election period.

Ayon kay Razon, generally peaceful ang halalan ngayong 2007 kumpara noong 2002 na nakapagtala ng 159 ERVIs.

Sinabi ni Razon, 48 ang insidente ng ERVIs ngayong taon kumpara naman sa naitalang 144 insidente noong 2002. Noong 2002 ay 75 ang nasawi habang sa taong ito ay 25 lamang ; 69 ang nasugatan noong 2002 pero ngayon ay uma­abot lamang sa 22 ang nasugatang mga indi­bidwal.

Sa paglabag sa gun ban, sinabi ni Razon na 347 katao ang naaresto at 302 armas ang na­samsam ng pulisya.

Samantala, sinabi na­man kahapon ni Comelec Chairman Re­sureccion Borra na sa kabila ng mga nabang­ git na ka­rahasan at failure of election  na naga­nap sa ilang lugar ay ma­itu­turing pa rin na “generally peaceful” ang nag­daang halalan. 

Sa kabilang dako, apat na munisipalidad sa lala­ wigan ng Sulu ang idi­neklarang nagkaroon ng “failure of election” da­hil sa umano’y ilang na­italang karahasan at di pagsipot ng mga Board of Election Tellers (BET).

Ang apat na munisi­palidad ay kinabibila­ngan ng Panglima Esti­no; Inda­nan, Talipao at Luuk.

 

Show comments